Kinuha umano ng Minnesota Timberwolves ang Denver Nuggets president of basketball operations na si Tim Connelly sa malaking halaga kasama na ang pagbibigay sa kanya ng ownership stake sa team.
Sa report ni ESPN Adrian Wojnarowski, sinasabing babayaran daw si Connelly ng $40 million sa loob ng limang seasons liban pa sa pagbibigay sa kanya ng ownership sa koponan.
Si Connelly, 45, ay nasali sa Timberwolves dahil sa nakilala ito sa magaling na pagpili sa talentadong players.
Umanib siya sa Nuggets bilang executive vice president noong 2013.aa
Na-promote naman siya sa Nuggets bilang presidente taong 2017.
Kabilang sa tumatak sa pamamahala ni Connelly ay nang makuha nila sa draft ang ngayon ay two-time league MVP na si Nikola Jokic sa 41st pick noong 2014 NBA draft.