-- Advertisements --

Hindi ikinaila ng Denver Nuggets na sila ay under-dog sa laban nila sa Los Angeles Clippers sa pagsisimula ng unang laro sa Western conference semifinals dakong alas-9 ng umaga oras sa Pilipinas.

Sinabi ni Nuggets star Jamal Murray na kahit nandoon pa rin ang emosyon sa panalo nila sa Utah Jazz ay kanilang bibigyan aniya ng magandang laban ang Clippers.

Ilan sa mga inaasahan nilang may mabigat na papel na gagampanan para sa laban ay si Patrick Beverley na tatapatan si Kawhi Leonard ng Clippers ganun din si Nikola Jokic na siyang magpapatupad ng matinding depensa kay Ivica Zubac.

Magugunitang kapwa nakuha ng dalawang koponan ang 4-2 sa first round playoffs ng talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks at ilampaso ng Nuggets ang Utah Jazz.