-- Advertisements --

Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Commission on Audit (COA).

Ito ay ilang linggo matapos mag-resign si dating COA Chairman Jose Calida.

Napili ng pangulo para sa posisyon si dating National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba bilang ad interim chairman ng komisyon.

Sa isang pahinang appointment letter, ipinagkakatiwala ng presidente kay Cordoba ang pamunuan ng state audit institution.

Nanumpa na rin si Cordoba sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo bilang COA chief.

Si Cordoba ay dati ring direktor ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) bago iniluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang NTC commissioner noong 2009.