-- Advertisements --
Ikinatuwa ng 90’s boyband na NSYNC ang muli nilang pagsasama-sama.
Naganap ito sa show ng NSYNC member na si Justin Timberlake sa Los Angeles.
Nagsigawan ang mga tao sa show ng biglang umakyat sina Joey Fatone, Lance Bass, JC Chasez, at Chris Kirkpatrick ang mga kasamahan ni Justin sa grupo.
Kinanta nila ang bagong kanta na “Paradise” at ang kanilang mga naging hitshongs.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “This I Promise You”, “It’s Gonna Be Me”, “Bye, Bye, Bye” at maraming iba pa.