-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kasalukuyang nasa Alabel Municipal Police Station ang suspek, na isang notoryus na pugante na responsable umano sa maraming kaso ng pagpatay at mga tangkang pagpatay.

Ayon kay Police Major Robert Fores, Hepe ng Makar Police Station, naaresto ng pulisya ang suspek sa Barangay Apopong sa lungsod ng Heneral Santos, noong Hulyo 5 ng kasalukuyang taon. .

Kinilala ng mga awtoridad ang pugante na si Wahib Binago Tacbil alyas “Commander Bravo Dats/ Engeg Binago”, isang 48-anyos na aktibong miyembro ng MILF Foreign Affairs na nagkukunwaring magsasaka dito sa lungsod.

Dalawang kasong pagpatay ang kinakaharap ni Tacbil na inilabas ng magkahiwalay na korte sa Sarangani Province at Sultan Kudarat, na parehong walang piyansang inirekomenda.

Habang nahaharap din ito sa kasong multiple attempted murder sa isa pang korte ng South Cotabato