CEBU CITY -Nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms at robbery ang isang lalaki kasunod ng pagkaaresto nio kahapon ng madaling araw, Oktubre 11, sa Magallanes Street, Barangay Ermita nitong lungsod ng Cebu.
Nakilala ang naaresto na si Jerlan Cañete Sabanal alias “Boy Langaw.”
Ayon sa Police station 5, patuloy nilang binabantayan ang presensya ni Boy Langaw sa kanilang area of responsibility.
Base sa imbestigasyon, inireport pa umano ng isang concerned citizen si Sabanal matapos nakitang may dalang armas habang naglalakad sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, agad na rumesponde ang mga otoridad at nagresulta sa pagkakumpiska ng isang kalibre .357 at mga bala mula sa posisyon nito .
Una nang nakilala si Sabanal na siyang nagnakaw sa isang lalaki sa Brgy. Kamagayan nang makita ng saksi ang larawan nito.
Sinasabi ring tinipon umano nito ang mga bata at sinanay sa ganitong gawain na ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya.
Maliban pa, labas masok rin umano sa kulungan ang suspek dahil na rin sa kaparehong kaso.