-- Advertisements --
Nagwagi bilang 2023 Nobel Prize in Literature ang Norwegian author at dramatist na si Jon Fosse.
Ayon sa Swedish Academy member Anders Olsson, na nagbigay ng boses si Fosses sa mga hindi kayang mabanggit.
Ang nasabing premyo ay ibinibigay ng Swedish Academy at ito ay nagkakahalaga ng $1 milyon.
Isinilang si Fosse noong 1959 sa Haugesund sa Norway.
Nakagawa ito ng iba’t-ibang genres kabilang ang mga plays, novels, poetry collections, essays, children’s books at translations.
Nagpasalamat naman si Fosse sa award na kaniyang natanggap.