-- Advertisements --
Suportado ng Norway ang pagsasanay sa mga Ukrainians sa paggamit ng F-16 fighter jets.
Ayon sa Oslo Defense Ministry na mahalaga ang nasabing mga fighter jets para tuluyang maitaboy ng Ukraine ang mga puwersa ng Russia.
Una ng sinabi ni US President Joe Biden na kanilang isasanay ang mga Ukrainian pilots sa paggamit ng kanilang F-16 fighter jets na ibibigay sa Ukraine.
Itinuturing naman ni Ukraine’s President Volodymyr Zelensky ang hakbang bilang sensyales na matatalo na ang Russia.










