-- Advertisements --

Niyanig g magnitude 4.5 na lindol ang northern Samar nitong umaga.

Ayon sa Phivolcs, alas-7:17 nangyari ang naturang pagyanig sa layong 27 kilometers northeast ng Pambujan town.

Anila, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na limang kilometro.

Naitala naman ang Intensity I sa Borongan City.

Samantala, walang aftershocks na inaasahan kasunod ng lindol at hindi rin inaasahang magdudulot ng anumang pinsala.