-- Advertisements --
viber image 2023 09 02 13 15 57 022

Nagpaputok ng sandamakmak na cruise missiles sa may west coast ng Korean Peninsula nitong araw ng Sabado ang North Korea ayon sa kumpirmasyon ng South Korean military.

Ilan hindi matukoy na bilang ng cruise missiles ang inilunsad dakong 1900 Greenwich Mean Time o 3am oras sa Pilipinas sa may Yellow Sea kung saan inaalam pa ang specifications ng pinakawalang missiles ng North Korea.

Ayon naman sa Joint Chiefs of Staff ng Seoul, nagsasagawa sila ng surveillance, monitoring at nakahanda para sa maigting na koordinasyon sa Amerika kaugnay sa aktibidad ng North Korea.

Ang panibagong military actions ng North Korea ay kasunod ng inilunsad nitong dalawang short-range ballistic missiles tatlong araw lang ang nakakalipas bilang parte ng tactical nuclear strike drill na nag-ugat makaraang magsagawa ng military exercises ang US at South Korea.

Nagpagalit sa North Korea ang naturang military drills ng US at South Korea na nakikita nito bilang rehearsal o pag-eensayo para sa invasion habang iginiit naman ng dalawang magkaalyadong bansa na sila ay “defensive in nature”.

Una rito, noong araw ng Martes idinetalye ni North Korean leader Kim Jong Un ang war plans nito sa hinaharap sa kaniyang pagbisita sa isang training command post kabilang na ang paggawa ng simultaneous super-intense strikes sa military posts sa South.