-- Advertisements --

Ligtas pa ring kainin ang ilang variant ng noodles na ibinebenta sa bansa.

Ito ang paglilinaw ng Food And Drug Administration o FDA.

Lumabas sa pag-aaral na ang ilang mga variant ng Noodles product na nakitaan ng ethylene oxide, ay ginawa sa Thailand at hindi sa Pilipinas.

Imihayag ng FDA na bilang pag-iingat ay nakipag-ugnayan na sila sa manufacturer nito sa bansa para alamin ang lebel ng ethylene oxide sa kanilang produkto.

Batay kasi sa pagsusuri ng isang independyenteng laboratoryo sa Vietnam, walang nakitang ethylene oxide sa ilang variant na ibinebenta sa bansa.

Dahil dito, sinabi ng FDA na ang mga nasabing variant ng nabanggit na noodle brand na ibinebenta o ipinamamahagi sa bansa ay ligtas na kainin ng publiko.