-- Advertisements --

Naging sulit ang paghabol ng NLEX para talunin ang Meralco Bolts 92-81 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Umarangkada si Earl Clark na nagtala ng 40 points habang mayroong 16 points si Don Trollano sa laro na ginanap sa PhilSport Arena sa lungsod ng Pasig.

Hawak ng Bolts ang kalamangan mula unang quarter at pagpasok ng third quarter ay nagtala ng 11-0 run ang NLEX.

Mayroon ng limang panalo at pitong talo ang NLEX habang ang Bolts ay mayroong apat na panalo at pitong talo.

Nasayang naman ang naitalang 22 points ni Bolts import KJ McDaniel.