-- Advertisements --
Nalusutan ng NLEX Road Warriors ang Terrafirma Dyip 95-85 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Umabot pa sa 18 puntos ang kalamangan ng NLEX subalit nahabol ito ng Dyip sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Nanguna sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 20 points habang mayroong tig-16 points sina Lja Gonzalesat JB Banio at 15 points at 12 rebounds si Cady Lalanne.
Mayroon ng pitong panalo at dalawang talo na ngayon ang NLEX kung saan pasok na sila sa playoffs kasama ang Rain or Shine.
Habang ang Terrafirma ay mayroon ngayon na tatlong panalo at anim na talo.
















