-- Advertisements --

Nakuha ng NLEX Road Warriors ang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Tital Ultra 92-83 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 36 points sa laro na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Kasama rin na naging susi sa panalo ng NLEX ang ginawang three-points ni Bolick sa natitirang 1:21 sa last quarter para basagin ang 83-83.

Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto na ang NLEX kasama ang Rain or Shine na na mayroong anim na panalo at dalawang talo.

Nagpasalamat naman si NLEX coach Jong Uichico dahil nakapag-adjust agad ang kaniyang manlalaro sa pagpasok ng third quarter.

Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Calvin Abueva at 19 points naman ni Joshua Munzon para sa Titan.