-- Advertisements --
Binigo ng NLEX Road Warriors ang Blackwater 99-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng NLEX si JB Bahio na nagtala ng career-high na 23 points sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.
Hindi hinayaan ng NLEX na makalamang pa ang Blackwater mula sa simula ng laro.
Nagtala ng 18 points si Xyrus Torres, habang mayroong 15 points, limang rebounds at 12 assists si Robert Bolick at 13 points naman ang nagawa ni Kevin Alas.
Nasayang naman ang nagawang 19 points, pitong rebounds at limang assists ni Sedrick Barefield para sa Blackwater.
















