Sisimulan sa Marso 4 ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang 100-day countdown para sa ika-125 anibersaryo ng araw ng kalayaan ng bansa.
Gaganapin ito sa Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite kung saan pangungunahan ni NHCP Chairperson Dr. Emmanuel F. Calairo, Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, atDepartment of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Bahagi ng programa ang pagpapakita ng watawat ng mga iba’t-ibang local government unit at ibang mga ahensiya ng gobyerno.
Ilan sa mga magtatanghal naman ay ang mga singers na sina Nyoy Volante, Mikkie Bradford-Volante at Lara Maigue.
Mapapakinggan sa unang pagkakataon ang theme song ng 125th Independence day na “Samu’t Saring Iisa” na gawa ni Kent Charcos at kakantahin ni Gian Magdangal.










