-- Advertisements --
nfa

Iniulat ng National Food Authority(NFA) na mas maraming mga magsasaka na ang nagbebenta sa kanila ng mga inaning palay.

Ito ay batay na rin sa obserbasyon ni NFA Administrator Roderico Bioco, kasunod ng pagpapataas sa bagong buying price o price range sa pagbili ng lokal na palay.

Maalalang unang inaprubahan ng NFA Council ang mas mataas na buying price na hanggng P23 kada kilo para sa tuyo o dry palay mula sa dating 21 habang P19 kada kilo para sa wet mula sa dating P16.

Ayon kay Administrator Bioco, naitala nila ang pagtaas ng bilang ng mga magsasakang lumalapit sa NFA upang magbenta ng inaning palay, kagaya ng Capiz, Palawan, at iba pa.

Kampante ang opisyal na magtutuloy-tuloy pa ito, lalo na at malaki rin ang hawak nitong pondo para sa local procurement.

Mayroong hawak ang naturang opisina na hanggang P8.5billion na pondo para rito.