Gumawa ng kasaysayan si Neymar Jr. matapos basagin ang all-time goal-scoring record ni Pelé sa World Cup qualifying match matapos ang panalo kontra Bolivia, 5-1 na ginanap sa Amazon, Belém.
Ang 31-anyos ay hindi nakakuha ng penalty sa unang bahagi ng laban, ngunit tumugon ng dalawang goal sa 61st at 93rd minutes upang kunin ang ika-79 goals sa kanyang international career.
Si Pelé ay itinuturing na isa sa mga all-time greats, na umiskor ng 77 goals para sa Brazil at ang tanging manlalaro na nanalo ng tatlong World Cup. Namatay siya noong Disyembre, sa edad na 82.
Kamakailan ay sumali si Neymar sa Saudi Pro League club na Al-Hilal mula sa French Ligue 1 champion na Paris Saint-German. Siya ang naging world’s most expensive footballer sa buong mundo nang sumali siya sa Parisian club mula sa Barcelona noong 2017.