-- Advertisements --
Binuksan na ng New Zealand ang kanilang border sa mga turista.
Matapos ito ng mahigit dalawang taon noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Prime Minister Jacinda Arden na patuloy pa rin ang kanilang gagawing pag-iingat.
Dahil dito ay papayagan ng Immigration authorities ang pagtanggap ng mga bisita na visas at mga estudyante na may visa.
Kasabay din nito ay binuksan na rin ang maritime border sa mga cruise ship at foreign recreational yacht.