Nagbabala si New York Attorney General Letitia James na hihilingin niya sa korte na kumpiskahin o kunin ang kustodiya ng mga pagmamay-ari ni dating US President Donald Trump kapag hindi ito nagbayad ng $354 million na multa sa kaso nitong civil fraud.
Matatandaan na pinagmumulta ng korte si Trump ng $354.8 million dollar at karagdagang $100 million dollar bilang interest matapos malaman ng korte na pinataas ni Trump ang kanyang net worth para makakuha ng mas mataas at pabor sa kanyang loan terms.
Agad naman itong itinanggi ni Trump at sinabing mag-aapela sila sa korte.
Sisiguraduhin umano ng kampo ni James na magbabayad si Trump sa mga taga-New York dahil pumasok daw siya sa malaking halaga ng fraud. Dagdag pa ni James, kung ang ordinaryong tao raw ang pumasok sa ganitong kalakaran ay pagbabayarin ito ng korte, kaya nararapat lang umano na kahit dating presidente ay managot sa ginawa nitong panloloko.