-- Advertisements --

Isa-isang inilatag ni PGen. Rommel Francisco Marbil ang kaniyang mga plataporma bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya.

Ito ay matapos ang pormal na pagkakaluklok bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa ginanap na change of command ceremony ngayong araw sa Kampo Crame sa Quezon City.

Sa kaniyang naging talumpati sinabi ni Gen. Marbil na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay sesentro ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting pa ng kalildad ng leadership, knowledge, ability, professionalism sa bawat ranggo at miyembro ng kapulisan.

Target din niya na palawigin pa ang abilidad ng organisasyon sa pagtataguyod at pagpapanatili ng batas, kasabay ng paglabag sa local at transnational crimes.

Kasabay din ng pagsusumikap na pataasin pa ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan, gayundin ang community satisfaction sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at maging sa lokal na komunidad.

Samantala, kaalinsabay nito ay ipinangako din ni PGen. Marbil ang isang mahusay, matatag, at maaasahan na buong hanay ng kapulisan kasabay ng pagtataguyod sa ligtas na tahanan, pamayanan, at Bagong Pilipinas.