Muling iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpapatuloy ang kanilang laban sa Hamas hangga’t makuha nila ang tagumpay.
Ito ay kahit na patuloy ang panawagan ng maraming bansa ng tigil putukan.
Personal rin na nakapanayam ni Netanyahu si US national security adviser Jake Sullivan kung saan isinulong dito ang pagkakaroon ng ceasefire.
Una ng sinabi ng Israel military na ang tuluyang pagtalo sa Hamas ay aabot pa ng ilang buwan.
Nagpapatuloy dina gn ginagawang paraan ng US para mapalaya ang mga natitirang bihag ng mga Hamas.
Sinabi ni US National Security Council spokesperson John Kirby na isa sa naging pakay ni US national security adviser Jake Sullivan ng magtungo sa Israel ang posibilidad na mapalaya na ang mga bihag.
Mayroon pa kasing walong Americans ang nawawala na pinaniniwalaang ang mga ito ay binihag ng mga Hamas.