(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tumulong na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council at Metro Manila Development Aurthority rescue teams kasama ang kanilang 11 na K9 cadaver search dogs sa malagim na landslide na tumama sa Sitio Mabuhay,Barangay San Luis,Malitbog,Bukidnon.
Layunan nito na maiahaon na lahat ang limang katao na natabunan mula sa gumuhong lupa kasama ang mga bato na ikinasawi lahat ng mga ito.
Sa hiwalay rin na panayam,inihayag ni Jeryl de la Cruz,rescue member ng Malitbog Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na tanging ang kanilang municipal dump truck driver na lang na si Raffy Simpruta ang hindi pa natagpuan mula bumagsak na mga lupa sa lugar.
Kinompirma nito na natagpuan na ang mag-asawang sina Lucrecio at Angelita Labrona;payloader driver na si Nerio Talines at Jordan Vincent Achas na truck helper ni Simpruta.
Magugunitang nasa kasagsagan ang mga biktima nang pananghalian noong Lunes ng tanghali habang biglang gumuho ang bahagi ng bundok kung saan malapit sa bahay ng mag-asawang Labrona dahilan ng trahedya.