Suportado ng National Defense College of the Philippines (NDCP) Alumni Association, ang paninidigan ng Pilipinas laban sa pinakahuling aggression ng China sa WPS.
Ayon kay Aldin Cuña, Secretary General ng NDCP Alumni Association, dapat ay magkaisa ang mga Pilipino sa pagpapakita ng suporta sa Pilipinas laban sa patuloy na panghaharas na ginagawa ng China.
Hinikayat din nito ang mga Pilipino na suportahan ang pamahalaan sa mga hakbang nito bilang tugon sa mga agresibong aksyon ng China.
Hinikayat din ni Commodore Jerry Simon, na isa ring miyembro ng alumni board, ang mga Pilipino na maging vigilant at tutukan ang mga pangyayari ukol dito.
Hindi lamang aniya ang mga barko ng Pilipinas ang binabangga kungdi maging ang tunay na kwento dito ay minamanipula rin umano.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na sa kabila ng hayagang pagbangga ng China sa barkong ginagamit ng Pilipinas sa resupply mission nito ay nagpapakalat pa umano ang naturang bansa ng hindi tamang mga kwento o ‘false narrative’.