-- Advertisements --

Naniniwala si National Task Force against COVID-19 chairman Sec. Delfin Lorfenzana na pababa na ang trend sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na ilang araw.

Sinabi ni Sec. Lorenzana, handa nang maibalik sa general community quarantine (GCQ) ang national capital region (NCR) pagkalipas ng Agosto 18.

Ayon kay Sec. Lorenzana, hindi na kayang ipagpatuloy pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Mtero Manila makalipas ang 15 araw.

Inihayag ni Sec. Lorenzana na alam na ngayon ng mga kinauukulan kung saang lugar may pinakamataas na kaso ng COVID-19 infection kaya ito na lamang ang tututukan ng mga otoridad para ang ibang areas ay makabalik na rin naman sa kani-kanilang mga trabaho.