-- Advertisements --
Muling magbabalik ang NBA sa China matapos ang ban na ipinatupad noong 2019.
Mayroong dalawang pre-season games ang laro sa araw ng Biyernes at Linggo.
Ang laro ay sa pagitan ng Brooklyn Nets at Phoenix Suns na gaganapin sa Venetian Casino and hotel sa Macau.
Gagawin ang laro matapos ang anunsiyo ng Chinese technology giant na Alibaba ng multi-year partnership sa katapusan ng taon.
Ang Nets din ay pag-aari ng Alibaba Chairman Joseph Tsai.
Magugunitang ipinagbawal ng China na magsagawa ng laro ang NBA matapos ang pagsuporta ng management sa pro-democracy protesters sa Hong Kong.