-- Advertisements --
image 300

Pinayagan na muling makapag-ensayo si dating 2017 NBA Defensive Player of the Year Draymond Green.

Maalalang bago ang NBA pre-season ay dumanas si Green ng sprain sa kanyang kaliwang bukong-bukong habang nagsasagawa ng training.

Dahil dito, hindi muna nakasama ang defensive specialist sa mga naging pagsasanay ng Warriors hanggang sa pre-season.

Natukoy naman ng medical team ng Warriors na maganda ang progreso ng paghilom ng injury ni Green makaraan ang ilang araw nitong pagpapagaling.

Kabilang sa mga pinayagang maaari niyang gawin ay ang mga shooting drills at iba pang magagaang court activities.

Wala pang inilabas ang Warriors kung maaari na siyang makasama sa mga nakahanay na training ng team bago ang pagsisimula ng Regular Season ngunit nakatakda uli siyang sumailalim sa evaluation process sa araw ng Lunes.