-- Advertisements --

Tanggal na sa Playoffs contention ang best team sa NBA na Milwaukee Bucks, matapos silang muling talunin ng MIami Heat sa score na 128 – 126.

sa huling pagtutuos ng dalawang, muling nagpakitang gilas si Miami Heat Forward Jimmy Butler sa kanyang 42 points 8 rebounds performace. Nagbuhos din ng 20-points triple-double ang kanilang Center na si Bam Adebayo, habang si Kevin Love ay nag-ambag ng 15 points 12 rebounds performance.

Walang nagawa ang big-3 ng Bucks sa likod ng pagbababad nila sa nasabing laro kung saan nag-ambag ng 38 points 20 rebounds double-double si Giannis Antotokounmpo. 18 points, 10 rebounds naman ang naging kontribusyon ng kanilang Center na si Brook Lopez habang si Khris Middleton ay kumamada ng 33 points.

Pinilit ng Milwaukee na payukuin ang Miami Heat ngunit sa unang tatlong quarter ng laro. Pagpasok ng 4th quarter, nagbuhos ang Miami ng 32 points kontra sa 16 points ng Bucks.

Umabot sa overtime ang laro ngunit umabot lamang sa walong puntos ang nakayang ipasok ng Bucks sa loob ng limang minuto habang nagawa ng Heat na magbuslo ng sampung puntos.

Dahil dito, pasok na ang Heat sa Semifinals at makakaharap ang New York Knicks na tumalo naman sa kanilang karibal na Cleveland Cavaliers.