Hinikayat ng National Treasury ang mga Pilipino na pag-aralan kung paano ang wastong pag-iimpok at pag-iinvest ng pera.
Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni National Treasurer Rosalia de Leon, ito rason kung bakit nila inilunsad ang “Invest Pa More, Panalo Pa More Premyo y Para Sa Bayan.”
Ayon kay De Leon, layon umano nitong hikayatin ang mga small savers at makiisa sa nation-building lalo na dahil ang “Premyo Bond” ay naglalayong makalikom din ng pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) at free tertiary education sa mga state universities and colleges (SUCs).
Sa naturang programa ma-eengganyo umano ang mga mamamayan na masanay at matuto sa pag-iinvest sa government securities.
Maliban dito ay may tiyansa rin umanong manalo mula ang mga sasali sa “Premyo Bond” ng mula P20,000, P100,000 hangang P1 million.
Pwede umanong maglagak ng minimum investment na P500 para sa isang bond hanggang P10 million ang interasadong indibidwal na gustong sumali sa “Premyo Bond.”
Sa mga interesado, maaari daw magbukas ng bank account sa mga kasaling bangko at dun bibili ng bonds.