-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Energy (DOE) na nakapag-save o tipid ng mahigit 132.11 megawatts sa isang oras na pagpapatay ng ilaw nong Earth hour na idinaos noong nakalipas na Sabado.

Sa isang statement, sinabi ng DOE na tumaas ito ng 110.73% mula sa 62.69 megawatts na naipong enerhiya noong 2023.

Kung saan pinakamataas sa Luzon na nakapag-save ng 73.86MW, sa Visayas 53.30MW habang sa Mindanao 4.95MW.

Ayon naman kay Energy Secretary Rafael Lotilla na nagpapakita ito ng commitment ng mamamayang Pilipino para maisalba ang ating planeta sa pamamagitan ng responsableng pagkonsumo ng kuryente.

Subalit sinabi din ng opisyal na dapat na isagawa ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente kahit na hindi Earth hour para matulungan ang kapaligiran.