Nahigitan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kanilang 2022 collection target ng mahigit P 3.92 billion o 70.21 percent.
Itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang target collection ng NTC noong nakaraang taon sa P5.58 billion habang ang aktuwal na koleksyon ng ahensya, as of Dec. 31, 2022 ay naitala sa PP 9.50 billion.
Sinabi ni NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca B. Lopez na ang systematic collection effort ng NTC ay abng pinakamababang loob ng pagtulong sa public service programs ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Kabilang na rito ang prayoridad sa food security, free at universal primary education at public health.
Kasabay nito ay ang pagkilala ni Lopez sa pagsisikap ng mga empleyado ng ahensiya na malagpasan ang kanilang target collection.
Ang tagumpay ng NTC ay pinagsama-samang pagsisikap ng kanilang personnel upang mahigpit na maipatupad ang pagtalima ng stakeholders sa pagreremit ng spectrum users’ fees, supervision and regulation fees at penalties.
Ang NTC ay ahensya ng pamahalaan na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.