-- Advertisements --
FB IMG 1564203945146
Batanes

Naniniwala ang National Housing Authority (NHA) na malaking tulong para sa mga residente ng ilang lugar sa Batanes na sinalanta ng bagyong Kiko ang halos P11 million na cash aid na kanilang ibinigay.

Ayon kay NHA Officer-in-Charge Roderick Ibanez, ang naturang halaga ay nalikom sa pamamagitan ng kanilang Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Nasa kabuuang P10.95-million cash ang kanilang naipamahagi sa Batanes local government unit para sa 907 na pamilyang apektado ng bagyong Kiko noong buwan ng Setyembre.

Ang naturang halaga ay tinanggap ni Batanes Provincial Planning and Development coordinator Marissa Antonio.

Sinabi ni Antonio na 75 percent ng mga pamilya sa Batanes na ang mga bahay ay gawa sa light materials ay apektado ng naturang bagyo.

Malaki raw tulong ang cash aid para sa pagsasaayos sa bahay ng mga naapektuhan ng bagyo.