Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines na walang indikasyon na makakaranas ng rotational power outages sa mga susunod na araw kasundo ng paglagay sa red alert sa Luzon grid.
Ito ang naging tugon ni NGCP president and CEO Anthony Almeda sa pagtatanong ni Energy panel chairman Senator Raffy Tulfo sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy.
Ayon pa sa NGCP president na kasalukuyang nasa normal na ang operasyon ng Luzon grid.
Ipinaliwanag din ni Almeda na ang naranasang red alert status noong nakalipas na Setyembre 12 ay normal disturbances.
Nakikipag-usap na rin aniya ang energy firms para matiyak na sapat ang suplay ng kuryente.
Sa parte naman ng Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan na minimonitor na ng ahensiya ang power situation kada araw at kung sakaling may untoward incident na mangyari, agarang makikipag-ugnayan ang DOE sa mga stakeholders para mabilis na matugunan ang mga isyu sa elektrisidad.










