-- Advertisements --
image 151

Tiniyak ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na gagampanan nitong maayos ang kaniyang tungkulin.

Kasunod ito ng pagkumpirma sa kanya ng Commission on Appointments (CA).

Sa inilabas na pahayag ni Balisacan sinabi nitong isang karangalan at pribelehiyo ang pagsisilbi sa bayan.

Nagpasalamat rin si Balisacan kay Senate President Juan Miguel Zubiri na siya ring chairperson ng Commission on Appointments at kay Committee on Tourism and Economic Development chairperson Representative Jose Padiernos.

Tiniyak ng kalihim na pamumunuan nito ang ahensya sa abot ng kaniyang makakaya upang makagawa ng maayos at tugmang socioeconomic na mga polisiya, plano, at programa para sa bansa.