-- Advertisements --
Pinatunog ng 1,000 beses ang kampana ng Washington Natonal Cathedral sa US.
Ang bawat tunog kasi ay nagrereporesnta ng 1,000 bawat kamatayan mula sa COVID-19 habang papalapit na sa 1-milyon na ang nasawi.
Itinuturing kasi na ang US ang may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo na mas marami sa Brazil, India at Russia.
Base sa data ng John Hopkins University na mayroong mahigit 995, 000 na ang nasawi sa US matapos dapuan ng COVID-19.
Pinapatunog ang mga kampana ng simbahang katolika sa US tuwing nalalampasan nila ang kakaibang record sa pandemic.
Unang ginawa ito noong Setyembre 2020 ng maitala ng US ang 200,000 na nasawi matapos dapuan ng virus.