Umabot na sa 133 ang nasawi sa nangyaring pag-atake sa concert hall sa Russia habang mayroon namang higit 100 ang naitalang nasugatan.
Ngunit ayon sa governor ng Moscow region na si Andrei Vorobyov, malaki umano ang tiyansa na mas lolobo pa ang bilang ng mga biktima.
Ilang gunmen na nakasuot ng combat fatigues ang nagpaputok ng kanilang automatic weapons sa venue habang nagsisimulang magdatingan ang mga tao para manuod ng concert ng isang rock band.
Hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng naturang pagpapapatuk subalit mayroon ng 11 katao ang ikinulong dahil sangkot umano ang mga ito sa nangyaring kaguluhan.
Sa isang televised address, tinawag ni Russian President Vladimir Putin na isang “barbaric terrorist attack” ang nangyari at idineklara ang araw ng Linggo bilang national day of mourning.
Ayon sa investigative committee, gunshot wounds at smoke inhalation ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.