-- Advertisements --
Labis na nagpapasalamat ng Hollywood actress na si Lindsay Lohan na walang nangyaring masama sa pamilya nito sa Dubai dahil sa pag-atake ng Iran.
Sinabi nito na ligtas ang asawang si Bader Shammas at anak na lalaki na si Luai.
Mula pa kasi noong 2015 ay sa Dubai na tumira ang aktres kung saan taong 2020 ng makilala ang asawa.
Matapos ang isang taon ay inalok na ito ng kasal at noong 2022 ay ikinasal na sila at isinilang ang anak nila pagkatapos ng isang taon.
Sinabi ng aktres na kaya ito naninirahan sa Dubai ay dahil sa doon niya nahanap ang kapayapaan at malayo sa mata ng mga papparazzi.
















