-- Advertisements --
dart 2

Matagumpay na naisagawa ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kanilang misyon na pagbanggain ang Double Asteroid Redirection Test (DART) spacecraft sa Asteroid Dimorphos kaninang alas-7:14 ng umaga (oras sa PH).  

Ang pagpapalipad ng DART aircraft ay inaasahan lamang na maiba ang direksyon nito at hindi tuluyang mawasak ang asteriod.

Tinatayang ang asteroid Dimorphos, ayon sa NASA ay kasinlaki ng isang football stadium.

Ayon pa sa NASA, wala naman daw itong dalang panganib bagkus ang kanilang ginawa ay makatutulong pa raw na maiwasan ang “catastrophic asteroid impact” kung saan sa darating na panahon ay baka may tatama sa mundo.

Ang Dimorphos ay nangangahulugang “having two forms” sa Griyego, at may sukat na 525 feet o 160 meters sa diameter. (With reports from Bombo JC Galvez)