-- Advertisements --
KABUL – Nasa 20 katao ang namatay sa nakalipas na putong araw sa loob at palibot ng Kabul airport sa kasagsagan ng evacuation efforts makalipas na makuha ng Taliban ang kontrol sa capital ng Afghanistan noong nakaraang linggo.
Ayon sa isang NATO official na tumangging magpangalan, hindi kanais-nais ang sitwasyon ngayon sa paliparan sa Kabul kaya ang focus nila ay mailikas sa lalong madaling panahon ang mga kailangan ilikas.
Magugunita na sa nakalipas na linggo nagdagsaan ang mga tao sa paliparan sa kasagsagan ng evacuation na ginagawa ng United States at iba pang mga bansa. (Reuters)