Arestado ang isang opisyl ng National Police Commission (Napolcom) matapos na manakot at manutok ng baril sa isang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nangyari ang insidente ng magkasagian ang sasakyan ng suspek at biktima sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City.
Kinilala ang suspek na isang Police Inspector III ng NAPOLCOM habang ang driver na biktima ay 42-anyos na mula sa Macabebe, Pampanga.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang biglang bumunot na lamang ng baril ang suspek.
Dahil sa takot ng biktima ay agad itong humingi ng tulong sa kapulisan.
Agad na nagresponde ang mga kapulisan kung saan nakuha sa suspek ang isang 9mm na baril na issue ng NAPOLCOM na may magazine at kargang 15 bala.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at inihahanda na rin ng mga kapulisan ang kaso laban sa suspek.
















