-- Advertisements --
ILOILO CITY – Iniimbestigahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region 6 ang nangyaring pambubugbog ng isang pulis sa Iloilo dahil lang sa larong Lucky 9.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Joseph Celis, Regional Director ng NAPOLCOM, sinabi nito na sinusuri na nila ngayon ang medical certificate ng lalaking si alyas Nonoy na nagsampa ng reklamo matapos itong binugbog ng pulis na si Patrolman Recie Marquez na nakadestino sa Barotac Viejo, Iloilo.
Ayon kay Celis, sa ngayon ay titingnan pa ng komisyon ang mga ebidensya na hawat ng nagrereklamo at testimoniya ng mga testigo.
Dagdag ni Celis, mas mabuti kung may roong footage ng Closed Circuit Television (CCTV) camera upang mas mabilis na maresolba ang kaso.