-- Advertisements --

Kinagat na ni Japanese boxer Naoya Inoue ang ginawang paghamon ni Jon Riel Casimero.

Sinabi nito na dapat ayusin agad ng Filipino boxer ang laban nilang dalawa dahil hindi ito aatras.

Naudlot kasi ang laban ng 28-anyos na si Inoue kay Casimero noong Abril 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Magugunitang isa ang Japanese boxer sa nais na isunod ni Casimero matapos ang laban niya kay Guillermo Rigondeaux.