-- Advertisements --

Muling nagbabalik sa kaniyang winning form si dating world number 1 tennis star Naomi Osaka.

Nagwagi kasi ito sa unang round Brisbane International ng talunin si Tamara Korpatsch ng Germany sa score na 6-3, 7-6 (11-9).

Sa kasalukuyan ay wala itong ranking matapos ang hindi paglalaro ng 15 buwan.

Sinabi nito na labis siyang natutuwa ng makita siya ng kaniyang fans na lalong nagbigay ito ng lakas para manalo.

Huling naglaro ito noong 2022 Pan Pacific Open sa Japan subalit agad na nag-withdraw matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan.

Sa mahigit isang taon nitong pamamahinga ay binigyan niya ng prioridad ang kaniyang mental health at nagsilang noong Hulyo 2023.

Susunod na makakaharap ng 26-anyos na si Osaka sa ikalawang round sik Karolina Pliskova.