-- Advertisements --

Umaani ngayon ng batikos ang organizers ng beauty pageant sa Japan matapos na magwagi ang Ukrainian-born model bilang Miss Japan.

Nagwagi kasi ang 26-anyos na si Karolina Shiino sa taunang Miss Nippon contest.

Sinabi ni Shino na nais niyang makilala bilang Japanese person.

Ang naturalized citizen na si Shino ay nanirahan sa Nagoya noong ito ay limang taong gulang lamang.

Umaasa ito na sa kaniyang pagkapanalo ay mabago ng tao ang kanilang pag-iisip sa kaniyang pagkatao ay ikonsidera na siya bilang isang Japanese.