Patay ang isang Brgy kagawad matapos barilin ng kanyang pinsan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Suharto Antilino, 35 anyos, bagong-proklama na kagawad ng Poblacion 3, Midsayap, at residente rin sa naturang Brgy.
Ayon kay PLtCol John Miridel Calinga, ang hepe ng Midsayap PS, bago ang nangyaring pamamaril ay nagkasagutan ang biktima at ang hindi na pinangalanang salarin hanggang sa maglabas na lamang ito ng baril.
Nagawa pa ng biktima na makatakbo ngunit hinabol umano siya ng suspek at pinaputukan.
Tinamaan ang biktima sa likod ng kanyang ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Batay sa assesement ng pulisya, hindi naman ito itinuturing na election-related, bagkus ay posibleng nag-ugat lamang sa isang personal na alitan.