-- Advertisements --
image 79

Mas mababa raw ng 72 percent ang mga naitalang kaso ng krimen mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30 kumpara sa parehong period noong 2016.

Sa statement na binasa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon sa isang press conference, sinabi niInterior Secretary Benhur Abalos na patuloy daw ang bansa sa pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Aniya, patuloy rin umano ang pagpursigi ng pamahalaan sa peace and order matapos maitala ang 72.33 percent overall decrease sa bilang ng mga krimen gaya ng murder, rape, robbery at carnapping.

Noong buwan ng Nobyembre, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na ang insidente ng eight focus crimes ay mas mababa sa nakalipas na 11 buwan ngayong 2022 kumpara sa parehong period noong nakaraang tatlong taon.

Kabilang sa mga focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of motor vehicles at carnapping of motorcycles.

Samantala, sinabi ni Abalos na ipagpapatuloy ng DILG ang giyera laban sa iligal na droga na mayroong parehong intensity gaya noon sa ilalim ng Marcos administration.

Dagdag ni Abalos na ang drug war ay ipatutupad base na rin sa konstitusyon

Tiniyak ni Abalos na walang mawawalang buhay sa pagpapatupad ng pamahalaan ng kampanya laban sa iligal na droga.