Umaabot lamang sa 27 percent ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enrol sa mga pribadong eskwelahan ngayong taon.
Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones, konti na lamang ang mag-aaral ngayon sa mga pribadong eskwelahan dahil hindi na makayanan ng mga magulang na bayaran ang tuition fee dahil nawalan ng trabaho.
Ayon kay Sec. Briones, lumipat na ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Nasa 347,860 lamang umano ang nagpa-enrol ngayon sa mga pribadong eskwelahan.
“Ang ating problem is with the private school enrollees kasi only 27 percent have returned. And we now have this what I described as the phenomenon of private school students migrating to the public school. Ang latest number is 347,860. And this is because, Mr. President, the private schools have been affected by the downturn in the economy. Their parents who lose their jobs cannot already fund the studies of the students,” ani Sec. Briones.