-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Iimbestigahan ng US Congress ang pagpasok at panggugulo ng mga Pro-Trump protesters sa U.S. Capitol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jon Melegrito, editor ng isang newspaper sa Washington D.C., sinabi nito na nais imbestigahan ng U.S. Congress kung paano nakapasok sa U.S. Capitol ang mga Pro-Trump.

Dalawang araw aniya bago nilusob ng mga raliyista ang U.S. Capitol ay mayroon nang sinasabing lulusubin ito subalit walang ginawang paghahanda ang mga pulis.

Kulang aniya ang seguridad kaya nakapasok mga Pro-Trump protestors matapos sirain ng mga ito ang mga bintana para naman pasukin ang ang chamber habang nagkakaroon ng debate sa loob.

Maari aniyang may sabwatan na nangyari dahil hindi naghanda ang mga pulis.