Kasabay ng 33rd birthday ni Bea Alonzo, ibinahagi na rin ni Dominic Roque ang larawan nila ng aktres.
Ito’y halos tatlong buwan mula nang mabuhay sa online world ang usap-usapang namumuong espesyal na relasyon sa pagitan ni Alonzo at Roque.
Sa larawan noong Hulyo, nag-post ng larawan ang 30-year-old actor kasama ang isang babae ngunit hindi kita ang mukha.
Sinasabing si Alonzo ang kasama ni Roque sa picture na umano’y kuha sa isang ramen restaurant in Tokyo.
Sa larawan naman ngayong weekend, malinaw na ang rumored couple ang magkasama kung saan kakabit ng “happy birthday” greeting ni Dominic ay ang “emoji” kiss.
Naka-tag din mismo sa picture si Bea na nag-comment na umabot daw ang pagbati sa kanya.
Wala namang detalye kung kailan at saan kuha ang larawan, pero hula ng kanilang mga follower na isa ito sa kanilang out-of-the-country trips.
Noong nakaraang taon nang ma-link sa isa’t isa ang dalawa matapos namataan sa Japan.
Kung maaalala, galing si Bea o Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom sa tunay na buhay, sa three year relationship sa aktor na si Gerald Anderson at nadawit ang pangalan ng young actress na si Julia Barretto sa kanilang paghihiwalay.
Si Roque naman ay lantaran ang pagpapahayag ng paghanga kay Alonzo.