-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang Maynild Water Service Inc. dahil sa pagpapatupad nila noong nakaraang mga araw ng water supply interruptions.
Sinabi ni MWSS-RO chief regulator Patrick Ty na kanilang napadalhan ng notice to explain ang nasabing kumpanya.
Magugunitang inanunsiyo ng Maynilad na makakaranas ng mahina hanggang kawalan ng suplay ng tubig mula Oktubre 17 hanggang 25 dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir.
Nauna ng pinatawan ng P9.264-milyon namulta ang Maynilad dahil sa hindi normal at mahabang service interruptions noong nakaraang Mayo hanggang Hulyo 2022.